Showbiz Manila

Richard Gutierrez, iba-ban sa Robinson’s malls

by admin on Apr.20, 2009, under News

Mukhang matagal ang itatakbo ng mga kasong isinampa nina Richard Gutierrez at Annabelle Rama sa website na PEP (Philippine Entertainment Portal) at sa GMA executive na si Ms. Wilma Galvante respectively. Sa mga huling panayam kay Annabelle, sinasabi pa nito na may kinalaman si Ms. Galvante sa umano’y paninira ng website sa kanyang anak na si Richard. Isang grupo raw ang naiinggit sa kanyang anak at gustong pabagsakin ito. At ang pasimuno nga raw ay ang lady exec ng Kapuso network.

Last Monday [April 14], nakatanggap ang PEP ng ‘cease-and-desist letter’ mula sa abogado ni Annabelle upang ipatigil ang paglalabas ng mga artikulo tungkol kay Richard. Ito ay para na rin matigil ang mga negatibong komento sa aktor mula sa mga bumibisita sa website. May section kasi roon kunsaan puwedeng mag-post ng kanilang mga komento ang mga registered user ng PEP.

Sa naturang letter ay nabanggit din daw ang Yes! Magazine na pag-aari ng Summit Media Publishing, kaya ayon sa abogado ng PEP na si Atty. Coronel, “Kung talagang ayaw na niyang mag-artista, di huwag na siyang i-feature at huwag man lang banggitin ang kanyang pangalan sa mga magazine. Pakiusapan ko na rin siguro lahat ng Robinson’s movie theaters na huwag nang magpalabas ng mga pelikula niya. Baka ayaw rin niyang mag-mall tour, di huwag na lang din siyang papasukin sa mga Robinson’s Malls.”

Related Blogs

Technorati Tags:

:

Leave a Reply

Comments links could be nofollow free.

Looking for something?

Use the form below to search the site:

Still not finding what you're looking for? Drop a comment on a post or contact us so we can take care of it!

Visit our friends!

A few highly recommended friends...